--Ads--

Posibleng mapalawig pa ang 60-day suspension ni Cavite Rep. Kiko Barzaga sa Kamara kapag naihain na ang ikalawang ethics complaint laban dito.

Sinabi ni Acidre na magtatapos sa Enero 30 ang suspension ni Barzaga na napatuna­yang “guilty of disorderly behavior,” dahil sa mga malisyosong post nito bukod pa sa malalaswang larawan ng mga kababaihan sa social media.

Ang ikalawang ethics complaint ay nauna nang ibinabala ni Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno kaugnay naman ng pahayag ni Barzaga na tumanggap umano ng suhol ang mga mi­yembro ng National ­Unity Party (NUP) mula sa negosyanteng si Enrique Razon para suportahan ang speakership ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Posible ring maharap si Barzaga sa mahigit 40 libel at cyberlibel complaints sa susunod na linggo na nakatakdang ihain ng NUP, ayon kay Puno.

--Ads--

Ikokonsidera rin ng NUP na isama ang kontrobersiyal na post ni Barzaga laban sa namayapang si dating Antipolo City Rep. Romeo Acop.

Una nang sinabi ni Puno na hihilingin ng NUP sa Kamara na mapatalsik si Barzaga dahil sa hindi pagsunod sa mga utos ng ethics committee.