--Ads--

Naka-alerto pa rin ang Coast Guard District Northeastern Luzon dahil sa nararanasang Northeast Monsoon o Amihan at sa epekto ng Tropical Storm Ada.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ensign Erika Faith Coloso, Public Information Officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niyang ipinatupad ang no sail policy noong Enero 17 bilang pag-iingat sa masamang kondisyon ng panahon.

Ayon kay Ensign Coloso, wala namang naitalang mga pasaherong na-stranded sa mga pantalan. Gayunman, may mga naitalang sheltering motorbancas o mga bangkang pansamantalang sumilong sa mga coastal areas dahil sa malalakas na alon at hindi kanais-nais na lagay ng panahon.

Batay sa datos ng Coast Guard, may limang (5) motorbanca sa Batanes, pito (7) sa Sta. Ana, at siyam (9) sa Cagayan ang pansamantalang hindi pinayagang pumalaot.

--Ads--

Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang monitoring at aniya sumusunod naman ang mga mangingisda sa mga patakaran sa dagat.

Patuloy rin ang Coast Guard District Northeastern Luzon sa pagsasagawa ng information dissemination sa mga mangingisda at mga residente sa coastal areas.

Nagsasagawa rin sila ng Passenger Assistance Centers upang tumulong sa mga biyaherong apektado ng masamang panahon.