--Ads--

Inihain ngayong Lunes, Enero 19, ang isang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa House of Representatives.

Ang reklamo ay inendorso ni Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay.

Batay sa dokumento, kabilang sa mga inilatag na batayan ng impeachment ang umano’y betrayal of public trust, partikular ang isyu ng pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). Inilalagay din sa reklamo ang hindi umano pag-veto ng Pangulo sa unprogrammed appropriations sa national budget.

Kasama rin sa mga alegasyon ang graft and corruption na may kaugnayan sa sinasabing ghost projects, gayundin ang paratang na pagiging hindi umano angkop ng Pangulo na mamuno dahil sa alegged drug addiction.

--Ads--

Tinanggap na ng Office of the Secretary General ng Kamara ang reklamo at inaasahang dadaan ito sa proseso ng pagsusuri, kabilang ang posibleng pagtalakay sa House Committee on Justice, upang matukoy kung may sapat na batayan para umusad ang impeachment.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag mula sa Malacañang hinggil sa naturang reklamo. Patuloy namang binibigyang-diin ng mga eksperto na ang impeachment ay isang institutional process na nangangailangan ng matibay na ebidensya at sapat na suporta sa Kongreso bago ito umusad sa susunod na antas.