Matagumpay na sinimulan ni Novak Djokovic ang kanyang kampanya para sa ika-25 na Grand Slam title matapos talunin ang unseeded na si Pedro Martinez ng Spain sa iskor na 6-3, 6-2, 6-2 sa unang round ng Australian Open nitong Lunes.
Target ni Djokovic ang kanyang ika-25 Grand Slam, at ito rin ang ika-100 panalo niya sa Melbourne Park.
Bagama’t may pangamba tungkol sa kanyang kondisyon dahil hindi siya sumali sa Adelaide tune-up at napaikli ang practice, ipinakita niya ang matatag na porma.
Nakontrol agad ang laban matapos makuha ang break sa unang set.
Sa ikalawang set, nagpakawala siya ng matinding crosscourt winner at tuluyang binasag ang momentum ni Martinez.
noong Nobyembre nang makuha niya ang kanyang ika-101 career title sa Athens, ngunit hindi siya nagpakita ng kalawang sa kanyang pagbabalik.





