--Ads--

Isang malubhang aksidente ang naganap ngayong araw, Enero 21, sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Mambabanga, Luna, Isabela, matapos mabangga ng isang dump truck ang isang pampasaherong jeepney at motorsiklo.

Ayon sa Bombo Radyo Cauayan, tatlong katao ang kumpirmadong nasawi sa aksidente, kabilang ang isang third-year college student na ngayon lamang sumakay sa jeepney, isang lola na ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan ngayong araw at isang magpapadialysis. Ang iba pang sugatan ay agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital sa Lungsod ng Cauayan, kabilang ang isang buntis, isang rider ng motorsiklo na nakaligtas nang may konting pasa lamang, at isang pasyenteng magpapadialysis na kinailangan ring dalhin sa ospital.

Sa panayam kay Ginoong Ron, isa sa mga nakasaksi, mabilis ang takbo ng dump truck mula Cauayan City, samantalang maayos ang linya ng takbo ng jeepney at motorsiklo. Dahil sa madulas na kalsada at sobrang bilis ng truck, nawalan ito ng kontrol at direktang bumangga sa jeepney at motorsiklo.

Dahil sa tindi ng banggaan, nagkalasug-lasog ang jeepney, natanggal ang bubong nito, at nagkalat ang ilang pasahero sa kalsada.

--Ads--

Agad na rumesponde ang mga rescuers at ambulansiya na pabalik-balik sa lugar upang tulungan ang mga biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang aksidente, habang pansamantalang naapektuhan ang daloy ng trapiko sa lugar.

This story will be updated with additional information.