--Ads--

Patuloy sa pangunguna ang host country na Thailand sa kasalukuyang medal tally ng 13th ASEAN Para Games Thailand 2025 matapos makalikom ng 29 ginto, 22 pilak, at 21 bronse para sa kabuuang 72 medalya, batay sa pinakahuling tala hanggang 7:50 ngayong umaga, Enero 22, 2026.

Pumapangalawa ang Indonesia na may 16 ginto, 17 pilak, at 10 bronse o 43 medalya, habang nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas na may 8 ginto, 6 pilak, at 6 bronse para sa kabuuang 20 medalya. Sumusunod ang Vietnam na may 8 ginto at kabuuang 19 medalya.

Nasa ikalimang puwesto ang Malaysia na may 29 medalya ngunit apat lamang ang ginto, sinundan ng Myanmar, Singapore, at Laos. Wala pa ring naitatala na medalya ang Brunei at Timor-Leste sa nasabing tala.

Patuloy na inaasahan ang pagdagdag ng medalya ng Team Philippines habang nagpapatuloy ang mga kompetisyon sa iba’t ibang laro ng ASEAN Para Games.

--Ads--