--Ads--

Umatras si U.S. President Donald Trump sa banta ng taripa at posibleng pag-angkin sa Greenland matapos umanong makabuo ng framework para sa kasunduan na magtatapos sa pagtatalo sa Danish territory. Inihayag ito sa kanyang pagbisita sa World Economic Forum sa Davos.

Ayon sa ulat, magtutulungan ang pitong NATO allies sa Arctic upang tiyakin ang kolektibong seguridad, habang nagpapatuloy ang negosasyon sa pagitan ng Denmark, Greenland, at Estados Unidos upang pigilan ang paglawak ng impluwensiya ng Russia at China sa rehiyon.

Binigyang-diin ng Denmark na dapat idaan sa pribadong diplomasya ang usapin at igalang ang soberanya ng bansa pati ang karapatan ng Greenlandic people sa self-determination.

Itinalaga rin ni Trump sina Vice President JD Vance, Secretary of State Marco Rubio, at special envoy Steve Witkoff para sa karagdagang pag-uusap. Ang pagbabago ng posisyon ng Pangulo sa taripa ay nagdulot ng pag-angat sa stock market, kabilang ang 1.2% na tumaas ng S&P 500 index.

--Ads--