--Ads--

Naglabas ng pahayag ang Peace and Order Traffic Parking and Crowd Control Committee ng Bambanti Festival 2026 hinggil sa insidente ng pagkawala ng gagdets sa mga nagtutungo sa Kapistahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Incident Commander Kim Agbayani ng nasabing komite, sinabi nitong lahat ng mga nawalang gadgets ay naisauli na sa mga may-ari ng mga ito matapos ibalik ng mga nakapulot sa command post.

Aniya, mahigpit ang ginagawa nilang pagbabantay sa lahat ng mga nagtutungo sa lugar upang matiyak na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng Bambanti Festival.

Bagaman may mga insidenteng naitala tulad ng mga nawalan ng gamit , maaaring ito’y nakalimutan o naiwaglit lamang ng may-ari na kalaunan ay naibabalik rin ng opisina dahil binabalik ito sa kanila.

--Ads--

Dagdag pa ng Incident Commander, maging sa lagay ng trapiko ay mahigpit rin ang kanilang ginagawang pagbabantay. Sa katunayan aniya, may mga nakatalagang nagbabantay sa lahat ng mga parking space upang masiguro na walang gagawa ng kalokohan habang naka-park ang mga sasakyan.

Mahigpit din nilang pinapaalahanan ang lahat ng mga naka-single motor na magtutungo sa lugar na magsuot pa rin ng helmet.

Hanggang sa ngayon, wala pang naitatalang disgrasya o anumang insidente sa daan partikular sa National Highway na nasasakupan ng Capitol Grounds.