--Ads--

Aprubado na ng lokal na pamahalaan ng Alicia ang pag e-extend sa pagrerenew ng business permit ng mga negosyante sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Municipal Treasurer Evelyn Cureg, sinabi nitong hanggang January 31 na ang ibinigay na palugit upang lahat ng mga business owners at makakuha at makapagrenew ng naturang business permit.

Aniya, base sa kanilang obserbasyon, marami pa rin ang mga nagtutungo sa Business One Stop Shop Office upang maglakad ng kanilang permit.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na iextend ito hanggang matapos ang buwan.

--Ads--

Giit pa ni Cureg, nais sana ng LGU na paabutin pa ito ng February ngunit ikinonsidera rin ang deadline na kailangang pagpasa ng opisina ng report.

Ayon sa kaniya, isa rin sa ginagawa ng opisina ngayon ay ang pag-aassist lalo na sa ilang mga business owners para sa proseso ng pagrerenew ng mga permit.