--Ads--

Bahagyang tumaas ang arrival at departure sa Palanan Airport ngayong mga nagdaang araw ayon sa PNP.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Avelino Baño , ang Hepe ng Palanan Airport Police Statiion, sinabi niya na binabantayan nila ngayon ang lagay ng panahon sa paliparan sa Palanan, Isabela kung saan nag ooperate ang dalawang lokal airlines.

Aniya, batay sa kanilang talaan may bahagyang pagdagsa ng mga pasahero pumapasok at palabas ng paliparan lalo at hindi makabiyahe ang mga bangka sa bahagi ng Dilasag, Aurora na isa sa alternatibong ruta dahil sa mataas na alon dulot ng mga umiiral na weather system.

Ayon pa kay PCapt. Baño bagamat payapa ang seguridad sa Palanan airport ay pina-paalalahanan parin nila ang mga pasahero na huwag gumawa ng anumang ipinagbabawal na bagay gaya ng bomb joke, pagdadala ng bala o anting-anting at iba pang security risk items maliban pa sa information drive nila tungkol sa VAWC at iligal na droga.

--Ads--