Isang malaking kabaliktaran na “Minnie” ang pangalan ng asong tinaguriang “pinakamatangkad na babaing aso” sa mundo!
Sa taas na 3 feet at 2 inches, tinalo ni Minnie mula sa Connecticut ang lahat nang malalaking aso sa buong mundo.
Ayon sa kanyang mga amo na sina Ken at Lisa Nogacek, nakuha nila si Minnie noong tuta pa lamang ito, pero mabilis itong lumaki, hanggang sa punto na kaya na niyang silipin at agawin ang pagkain sa ibabaw ng kitchen counters nang walang kahirap-hirap.
Kinailangan pang gumamit ng measuring stick na pang-kabayo upang masukat siya nang tama para sa record. Sa laki ni Minnie, mas matangkad pa siya sa alagang miniature pony ng pamilya at madalas pa siyang napagkakamalang maaaring sakyan ng mga tao. Pero paalala ng kanyang mga amo: ang mga Great Dane ay noble hunting dogs at hindi kabayo.
Sa kabila ng kanyang nakalululang tangkad, inilarawan si Minnie bilang isang sweet at tunay na “gentle giant” na mahilig maglaro ng dalawang toys nang sabay gamit ang kanyang malaking bibig.





