Isang nakakakabang tagpo ang nasaksihan ng buong mundo matapos akyatin ng American rock climber na si Alex Honnold ang Taipei 101 skyscraper sa Taiwan nang walang lubid o safety net, sa isang event na isinahimpapawid nang live.
May taas na 1,667 talampakan, kabilang ang Taipei 101 sa pinakamataas na gusali sa mundo. Ayon kay Honnold, ibang-iba ang hamon ng pag-akyat sa isang gusali kumpara sa natural na rock formations.
Ibinahagi ni Honnold na matagal na niyang pangarap—mahigit isang dekada na—ang subukang akyatin ang isang skyscraper.
Kilala si Honnold sa kanyang mga free solo climbs, kabilang ang makasaysayang pag-akyat niya sa halos 3,000-talampakang El Capitan sa Yosemite National Park noong 2017 nang walang anumang safety gear—isang gawaing itinuturing na isa sa pinakamapanganib sa kasaysayan ng rock climbing.
Sa kabila ng kanyang matitinding stunt, iginiit ni Honnold na pamilya pa rin ang kanyang pangunahing prioridad. Aniya, hindi pa lubos na nauunawaan ng kanyang dalawang maliliit na anak ang kanyang ginagawa:
Dagdag pa niya, bukas siyang sundan ng kanyang mga anak sa free solo climbing kung nanaisin nila, at mas gugustuhin niya raw ito kaysa mapahamak sa iba pang uri ng delikadong gawain.
Matapos ang matagumpay ngunit delikadong pag-akyat, tuluyan nang natapos ang live coverage ng makasaysayang free solo climb ni Alex Honnold sa Taipei 101.





