--Ads--

Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng House of Representatives si Jan Franz Almario Chan, ikatlong nominado ng Ako Bicol Party List, sa plenary session nitong Lunes.

Si Chan ang pumalit kay dating kinatawan Zaldy Co, na nagbitiw sa kanyang posisyon noong Setyembre matapos masangkot sa mga alegasyon kaugnay ng iregularidad sa mga proyekto ng flood control.

Tubong Rapu-Rapu, Albay, nagtapos si Chan ng Juris Doctor degree sa Ateneo de Manila University. Kumuha rin siya ng Master of Laws sa University of California, Berkeley, kung saan nakatanggap siya ng Certificate of Specialization in Energy and Clean Technology na nakatuon sa energy law, renewable energy, corporate finance, environmental justice, at international trade.

Sa kanyang panunumpa, binigyang-diin ni Chan na tututukan niya ang mga sektor ng enerhiya, kabataan, kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at serbisyong panlipunan, na aniya’y mahalagang haligi sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino, lalo na ng mga Bicolano.

--Ads--