Sumadsad sa gilid ng daan ng isang forward truck Tactac, Santa Fe, Nueva Vizcaya nitong Enero 26, 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Liza Agbayani, Deputy Chief of Police ng Sante Fe Police Station, sinabi niya na nawalan ng preno ang naturang truck na may kargang steel roofing sa palusong na bahagi ng kalsada dahilan upang itong bumangga sa barrier ng Department of Public Works and Highways, at sa poste ng Novelco.
Hindi naman nasaktan ang tsuper ng truck.
Dahil sa insidente ay pansamantalang isinara ang isang lane ng kalsada simula sa 6:40 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Aniya, medyo natagalan ang pagtanggal sa truck dahil ito ay sumabit sa kahoy at sa poste ng kuryente.
Ayon kay PLt. Agbayani, bagaman may mga road signs na sa kalsada ay patuloy pa rin ang kanilang pagpapaalala sa publiko sa pamamagitan ng kanilang mga social media posts,at pakikipag-ugnayan sa mga motorista kaugnay sa mga dapat nilang gawin kapag bumabaybay sa mga kakalsadahan.











