--Ads--

Hindi lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maapektuhan ng impeachment complaint na isinampa laban sa kanya kundi pati na rin ang bansa at ekonomiya.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos maisumite sa House Committee on Justice ang dalawang impeachment complaints laban sa Presidente.

Ayon kay Castro, maituturing na pag-atake rin sa administrasyon ang impeachment complaints dahil nakakaabala ito sa paghahatid ng mga serbisyo sa taongbayan.

Sa kabila nito, sinabi ni Castro na igagalang ng ehekutibo ang proseso at desisyon ng House of Representatives kaya hahayaang nilang umusad ito nang naaayon sa batas.

--Ads--

Tiniyak ni Castro na susunod sila sa proseso at kung sakaling humiling ng mga dokumento ang Kongreso ay tutugon sila kung kinakailangan.