--Ads--

Isinailalim na sa state of calamity ang Tabaco City, Albay dahil sa patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa ulat, inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ang kaukulang resolusyon.

Layunin ng hakbang na ito na magamit ang quick response fund at mapabilis ang disaster response operations para sa mga apektadong komunidad.

Sa kasalukuyan, aabot sa 500 pamilya o humigit-kumulang 1,800 indibidwal mula sa anim na kilometrong permanent danger zone ng Bulkang Mayon ang nasa evacuation centers.

--Ads--

Nananatili naman ang bulkan sa Alert Level 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).