--Ads--

Pumanaw na si James Jimenez, dating tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec), ayon sa anunsyo ng poll body nitong Miyerkules.

Sa pahayag ng Comelec, binigyang-pugay si Jimenez na nagsilbing Spokesperson at Director IV ng Education and Information Department ng komisyon, at kinilalang naglingkod nang may integridad, linaw, at buong dedikasyon sa institusyon at sa sambayanang Pilipino.

Mula Hulyo 2006 hanggang sa kanyang pagreretiro noong Setyembre 2022, si Jimenez ang naging pangunahing tinig at mukha ng Comelec sa publiko.

Siya ang may hawak ng rekord bilang pinakamatagal at pinakabatang itinalagang spokesperson ng pamahalaan sa panahon ng kanyang pagkakahirang.

--Ads--

Nagpaabot ng pakikiramay ang Comelec sa pamilya, mga kaibigan, at mahal sa buhay ni Jimenez, at kinilala ang kanyang naiambag sa pagsusulong ng election transparency at voter education.

Ayon sa komisyon, mananatiling alaala ang kanyang propesyonalismo, boses, at tahimik na tapang sa serbisyo publiko.