--Ads--

Kinumpirma ng state-run airline na Satena na bumagsak ang isang pampasaherong eroplano sa hilagang Colombia, na ikinamatay ng lahat ng 15 sakay nito. Ang eroplano, isang Beechcraft 1900, ay natagpuan na sa isang bulubunduking lugar.

Kabilang sa mga pasahero si lawmaker Diógenes Quintero Amaya at kandidato sa nalalapit na eleksyon na si Carlos Salcedo. Nawalan ng kontak sa eroplano 11 minuto bago ito nakatakdang lumapag sa Ocaña, malapit sa border ng Venezuela.

Ang Flight NSE 8849 ay nagmula sa Cúcuta, may sakay na 13 pasahero at dalawang crew members. Pitong bangkay na ang nahahanap habang nagpapatuloy ang search operation sa lugar na kontrolado rin ng ELN guerrilla group.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang presidente ng Colombia na si Gustavo Petro sa mga pamilya ng mga biktima. Si Quintero ay isa sa 16 miyembro ng parlamento na kumakatawan sa mga biktima ng labanan sa pagitan ng FARC at ng gobyerno.

--Ads--