Matagumpay na mapasakamay ang isang akusado na kabilang sa No. 4 Provincial Most Wanted Person (TMWP) sa Barangay San Antonio, Alicia, Isabela para sa hinaharap nitong kaso na Rape, na paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code.
Isinagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Batallion 2 (RMFB2), Alicia Municipal Police Station , Isabela Provincial Drug Enforcement Unit / Provincial Intelligence Unit (PDEU/PIU), at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC).
Ang akusado ay kinilalang si alyas “Lito,” 20- anyos, estudyante, walang asawa, at residente ng naturang barangay. Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Enero 21, 2026, na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 40, Cauayan City, Isabela na walang inirekomendang piyansa.
Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Alicia MPS para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinag-mulan nito.







