Kinumpirma ni Senador Ping Lacson na papalitan na si Sen. Imee Marcos bilang chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations.
Sa text message sa mga reporter nitong Huwebes, Enero 29, sinabi ni Lacson na ang pagkakaalam niya ay naiparating na ni Senate Majority Leader Migz Zubiri kay Marcos ang naturang pagbabago.
Ayon pa sa senador, posibleng mangyari ang pagpapalit ng chairmanship sa susunod na linggo.
Si Sen. Erwin Tulfo umano ang itatalagang bagong chair ng nasabing komite.
Nang tanungin kung ano ang dahilan ng pagpapalit, ipinaliwanag ni Lacson na ang Senate Committee on Foreign Relations ay karaniwang inilalaan sa mga miyembro ng majority bloc sa Senado dahil isa itong mahalaga at makapangyarihang komite, tulad ng Blue Ribbon Committee.











