--Ads--
Kinumpirma ng City Engineering Office ang pagbabakbak at muling pagsasaayos ng dati nang ginawang kalsada sa bahagi ng Ipil Street, Barangay District 1, Cauayan City, Isabela.
Ayon kay City Engineer Edward Lorenzo, nagsagawa ng inspeksyon ang kanilang hanay at nakitang may mga bahagi ng ginawang kalsada na lumalabas ang mga bato nito. Dahil dito, kinausap nila ang mga contractor upang isaayos ang naturang kalsada.
Ang gastos sa muling pagsasaayos ng kalsada ay magmumula mismo sa contractor at hindi sa kaban ng LGU Cauayan.
Aniya, hindi nakikipag-ugnayan ang mga contractor sa LGU tuwing may proyekto, kahit pa mayroon namang nakatalagang engineer na dapat sana’y magbabantay sa kanila.
--Ads--











