--Ads--

Tinatayang P221.5 milyon na halaga ng mga misdeclared cellphones ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Quezon City.

Ayon kay HPG Director Brig. Gen. Hansel Marantan, naharang ang mga truck sa Mindanao Avenue nitong Miyerkoles, Enero 28, dahil sa inisyal na license plate at seatbelt violations. Nang hanapan ng mga dokumento ang kargamento, idineklara ito bilang cellphone accessories, ngunit nang masusing suriin, ito pala ay kahon-kahon ng mga cellphone at iba pang gadgets.

Agad namang itinurn-over ang nasabing shipment sa Bureau of Customs (BOC) para sa mas malalim na imbestigasyon at upang matukoy kung may kaukulang paglabag sa importation at customs regulations.