--Ads--

Isang kakaibang insidente sa United States matapos maging opisyal na may-ari si Zach Clark ng kauna-unahang rehistradong patatas bilang gun silencer, na inaprubahan ng Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms, and Explosives (ATF), ang ahensiyang katumbas ng firearms regulatory body ng gobyerno ng U.S.

Sa U.S., ang gun silencer ay itinuturing na regulated firearm accessory. Karaniwan, mahigpit at mahal ang proseso ng pagpaparehistro nito, umaabot sa daan-daang dolyar at inaabot ng ilang buwan o taon bago maaprubahan.

Sa ilalim ng bagong batas na tinatawag na One Big Beautiful Bill, ginawang libre at online ang pagpaparehistro ng mga suppressor designs, isang hakbang na layong pabilisin ang proseso para sa mga legal na gun owners.

Ngunit dito na pumasok ang loopholes sa bill na ito.

--Ads--

Dahil hindi malinaw kung gaano kaigting ang beripikasyon sa mga isinusumiteng disenyo, sinamantala ito ng ilang gun owners para magrehistro ng mga kakatwang bagay bilang “silencer”tulad ng unan, lata ng energy drink, at sa kaso ni Clark, 1-pirasong patatas.

Nilinaw ni Clark na hindi niya planong gamitin ang patatas sa baril, dahil tiyak na madudurog lamang ito sa unang putok. Ang layunin niya, ay ipakita ang mga loopholes ng bagong sistema.

Ayon pa kay Clark, posibleng naging random na lamang ang pag-aapruba ng ATF dahil sa dagsa ng aplikasyon at limitadong manpower.

Bilang eksperimento, nagsumite siya ng tatlong magkakahiwalay na aplikasyon para sa tatlong patatas, bawat isa ay may sariling serial number:

Sa kabila ng magkaparehong dokumento at detalye, dalawa ang naaprubaha