--Ads--

Nahuli na ng mga awtoridad ang mga suspek na umano’y pumamaslang sa isang policewoman at 8-anyos nitong anak sa Novaliches, Quezon City.

Ang mga suspek ay kinalalang sina Pia Katrina Panganiban, 29-anyos, car agent, asawang si Christian Suarez Panganiban, 44-anyos, dismissed PNP member, at Gil Valdemoro Dy, 41-anyos.

Sa ulat ng Quezon City Police District, nadakip ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar sa Galicia St., Villa San Agustin, Barangay San Agustin, Novaliches Quezon City at sa Blk 17 lot 7 Phase 5 Pascualer Ville San Bartolome, Quezon City.

Matatandaan na nitong Enero 24 ay natagpuan ang bangkay ni  P/Sr Master Sgt. Mollenido sa kahabaan ng Pulilan Bypass Road, Barangay Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan na nakabalot ng damit at inilagay sa plastic, habang ang bangkay naman ng 8-anyos na anak nito ay natagpuan noong Enero 29 sa calamansi farm sa Sitio Malinis, Barangay Maluid, Victoria, Tarlac.

--Ads--

Napag-alaman na pinag-tulungang paslangin ng tatlo ang mag-ina.

Huling nakita ang mga biktima nitong Enero 16 matapos ibenta ni Diane Marie ang kanyang Toyota Innova at magtungo sa bahay ng mag-asawang Pia Katrina at Christian sa Blk. 4, Lot 18, Galacia St., Villa San Agustin, Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Sa paggalugad ng bahay ng mga suspek, ilang mahahalagang ebidensiya ang natagpuan ng pulisya habang ang ginamit nilang sasakyan para i-dispose ang mga bangkay ng biktima ay kasalukuyan pang prinoproseso ng PNP Forensic Group sa Angeles, Pampanga.