--Ads--
Natagpuang patay si PSSgt. Renato Casauay Jr., miyembro ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), sa isang septic tank sa Barangay Mojon, Malolos City, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.
May tama ng bala sa batok ang biktima at nakasubsob, ayon sa awtoridad.
Naiulat na nawawala si Casauay noong Enero 25 matapos umalis ng bahay para kumuha ng seafood sa Barangay Panasahan. Nakakuha ng impormasyon ang pulisya na ipinasok ang biktima sa Mauricio compound, kung saan hinukay siya ng awtoridad ng madaling-araw ng Enero 31.
Hawak na ng pulisya ang suspek na si Oliver Paul Mauricio, na may nakaraang kaso sa droga at baril. Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
--Ads--











