Pumapalo na sa kabuuang P24.7 billion ang halaga ng assets na na-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) may kaugnayan sa flood control mess.
Ito ay matapos makakuha ng panibagong freeze order ang konseho mula sa Court of Appeals.
Ayon sa AMLC, kabilang sa panibagong freeze order ang assets ng dalawang kontraktor na nakakuha ng mayorya ng ghost flood control projects sa Bulacan, isang negosyante at iba pang mga indibidwal at entities na nadadawit sa malawakang infrastructure corruption scandal.
Ang mga assets na saklaw ng freeze order ay bank accounts, e-wallet accounts, insurance policies, security accounts, investment accounts at real properties.
Inaasahan namang madaragdagan pa ang halaga ng na-freeze na assets habang nagpapatuloy ang paggulong ng imbestigasyon sa maanomaliyang infrastructure projects.











