Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang tagumpay ni Arabelle Dela Cruz, ang Sparkle artist at runner-up ng “The Clash 2025”, matapos na mapili bilang grand winner ng “Veiled Cup Korea.”
Kilalang “Laguna Diva,” pinarangalan si Arabelle matapos ipakita ang kanyang galing sa pagkanta ng “Feeling Good” sa kompetisyon.
Ang “Veiled Cup Korea” ay isang reality singing show kung saan ang mga kalahok ay kumakanta habang nakatabon ang mukha, at kilala lamang sa kanilang nickname at pinanggalingang lugar.
Si Arabelle ang nag-iisang Pilipino na nakapasok sa grand finals ng naturang kompetisyon, na nagpatunay sa kanyang talento sa pandaigdigang entablado.
Samantala, nagpasalamat din ang kapwa Pilipinong kalahok na sina Garrett Bolden at Thea Astley sa pagkakataong makibahagi sa “Veiled Cup Korea.”





