--Ads--

Isang pangkat ng mga arkeologo sa Utah ang nakahukay ng isang bote ng alak na tinatayang 150 taon na, at sinubukan ito ng mga eksperto upang matikman ang kakaibang lasa nito.

Ayon kay Ian Wright, pampublikong arkeologo ng estado ng Utah, kabilang ang bote sa libu-libong artifact na nagmula pa noong 1870–1890 na natagpuan sa lupaing pag-aari ng U.S. Forest Service na ginagamit ng Alta ski resort.

Aniya, ang natagpuang bote ang tanging kilalang buo at hindi nabuksang bote ng alak mula sa panahong iyon na natagpuan sa Utah.

Tinulungan ng koponan ni Wright ang High West, ang pinakamatandang lehitimong distillery sa Utah, para suriin ang laman ng bote. Nagbigay naman ang Old Town Cellars ng isang Coravin device upang kunin ang likido nang hindi nasisira ang cork.

--Ads--

Si Isaac Winter, direktor ng distilling sa High West, ang unang sumubok ng alak.

Ayon sa mga eksperto, tila beer ang laman ng bote at hindi hard liqour at plano nilang maibalik ang resipe nito sa pamamagitan ng yeast na makokolekta sa loob ng bote.