--Ads--
Isang dambuhalang sawa na natagpuan sa Sulawesi, Indonesia ang gumawa ng kasaysayan bilang “Longest Wild Snake” sa mundo.
Pinangalanan ang sawa na Ibu Baron.
Ang sawa ay may habang 23 feet 8 inches at tumitimbang ng 96.5 kilograms.
Sa ngayon, ligtas na inaalagaan ng local conservationist na si Budi Purwanto ang sawa upang ilayo sa poachers.
--Ads--
Ang pagkakadiskubre kay Ibu Baron ay nagbigay-daan upang talakayin ang lumalalang conflict sa pagitan ng tao at ahas sa Indonesia.
Dahil sa pagkaubos ng kagubatan at natural na pagkain tulad ng baboy-ramo, napipilitan ang mga sawa na lumapit sa mga residential area, kung saan pinapatay naman sila ng mga residente dahil sa takot sa mga ito.





