Pumanaw ang South Korean actor na si Jung Eun Woo sa edad na 40
Ayon sa mga ulat, pumanaw si Jung nitong Miyerkules, Pebrero 11 subalit hindi pa isinasapubliko ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Isang araw bago siya pumanaw, nag-post si Jung sa kaniyang social media ng larawan nina Leslie Cheung at Amy Winehouse na may caption na sa “missed, envied, regretted,”
Kasalukuyang nakaburol ang aktor sa New Koryo Hospital Funeral Hall at magaganap ang libing sa Byeokje Sunghwa Cemetery sa Pebrero 13.
Sa loob ng dalawang dekada ng kanyang karera, nagsimula si Jung sa pag-arte noong 2006 sa Banollim 3. Lumabas din siya sa mga pelikula tulad ng He Was Cool (Tutoring the Same Age 2), Bad Couple, at Miss Chang.
Sa telebisyon naman, gumanap siya sa mga drama tulad ng Hit, Chuno, The Man Called God, at Bride of the Sun.





