--Ads--

Nakamit ni Alex Eala, ang kanyang bagong career-high ranking na World No. 31 matapos ang kahanga-hangang laro sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championships.

Batay sa pinakabagong tala ng Women’s Tennis Association (WTA) ngayong Lunes, umakyat si Eala ng labing anim (16) puwesto mula No. 47, at nalampasan ang kanyang dating career-high na No. 40 na naitala noong Abu Dhabi Open.

Nag-ambag ng 215 ranking points ang kanyang quarterfinal finish sa Dubai, kung saan nakapasok siya sa second round matapos umatras si Hailey Baptiste dahil sa abdominal injury.

Nagpakitang-gilas si Eala sa Round of 32 nang talunin ang World No. 8 na si Jasmine Paolini, at sinundan ito ng panalo laban kay Sorana Cirstea, na noon ay World No. 32, na nagpatibay sa kanyang mataas na ranking.

--Ads--