--Ads--

Isang matinding pagsubok ng pisikal na lakas at tibay ng isip ang ipinamalas ng dalawang atleta mula sa Michigan, U.S. matapos nilang makamit ang Guinness World Record para sa “longest marathon playing singles pickleball”.

Opisyal na kinilala ng organisasyon sina Brad Haverkamp at Caleb Dang matapos silang maglaro nang walang patid sa loob ng 28 hours. Naganap ang nasabing record-breaking attempt noong huling bahagi ng Nobyembre 2025, ngunit ngayong buwan lamang inilabas ang opisyal na kumpirmasyon matapos suriing mabuti ng Guinness ang mga isinumiteng ebidensiya at video footage.

Ayon sa mahigpit na panuntunan ng Guinness, limang minutong pahinga (5-minute break) lamang ang pinapayagan sa bawat isang oras na paglalaro. ­Ginamit umano nila ang napakaikling oras na ito upang mabilis na kumain, uminom, at magbanyo bago agad na bumalik sa court.

Inilarawan ni Dang ang labis na hirap ng hamon, lalo na nang umabot sila sa kalagitnaan ng laro kung saan tila namanhid na ang kanyang katawan at isipan. “At a certain point, your brain just shuts off and you’re on autopilot” pahayag ni Dang sa isang panayam.

--Ads--

Hindi ito ang unang pagkaka­taon na sumubok ang dalawa sa pagkamit ng world record. Noong 2024, tinangka rin nilang makuha ang parehong titulo para naman sa doubles pickleball, ngunit hindi sila nagtagumpay. Dahil sa dedikasyon at determinasyon, muli silang nag-ensayo at bumalik upang tuluyang maiuwi ang world record sa kategoryang singles.