Bago mag-break para sa Semana Santa, nag-adopt ang Senado ng Resolusyon bilang 350 na bumubuo ng isang ad hoc committee na tututok sa contingency plans ng pamahalaan kaugnay ng krisis sa Gitnang Silangan.
Ang komite ay tinawag na PROTECT (Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy), na may tungkuling suriin at imbestigahan ang pagpapatupad ng mga plano ng gobyerno upang tugunan ang epekto ng digmaan ng US, Israel, at Iran sa ekonomiya at suplay ng enerhiya.
Itinalaga si Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate finance committee, bilang tagapangulo ng PROTECT. Ayon sa kanya,
Magbibigay ng ulat ang komite sa Pangulo matapos ang mga pagdinig. Layunin nitong makabuo ng pambansang consensus para sa malinaw at komprehensibong contingency plan na makakaiwas sa stagflation ng ekonomiya.
Samantala, hindi pa naaprubahan ng Senado ang panukalang amyenda sa Biofuels Law na magpapahintulot sa importasyon ng biofuel components. Nananatili ito sa second reading, habang ang bersyon ng Kamara ay pasado na sa third and final reading.
Sa kabilang banda, ipinagmalaki ni Speaker Faustino Dy III na 17 sa 52 priority measures ng LEDAC ay naipasa na ng Kamara sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya at pandaigdigang sitwasyon.






