--Ads--

Nagsagawa ang City Agriculture Office ng Santiago ng ‘Skills Training on Volva and Oyster Mushroom Production’ sa Barangay Cabulay, Santiago City katuwang ang Independent Component City Agricultural and Fishery Council.

‎Dinaluhan ito ng 51 kalahok mula sa iba’t ibang barangay ng Santiago City bilang oportunidad upang madagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng agrikultura.

‎Sa naturang pagsasanay, tinuruan ang mga kalahok ng buong proseso ng produksyon ng kabute—mula sa paghahanda ng substrate hanggang sa pag-aani.

‎Inaasahan na magsisilbing alternatibong pagkakakitaan ang naturang training para sa mga residente, lalo na’t mababa lamang ang puhunan at mabilis ang ani ng kabute, na makatutulong sa pagkakaroon ng dagdag na kita at sustainable na kabuhayan.

‎Ayon sa ulat, may mga susunod pang iskedyul ng pagsasanay na iaanunsyo sa mga darating na araw upang mas marami pang residente ang makinabang sa ganitong programa.