Isang babae mula sa Ohio ang muling nakasama ang kanyang alagang aso matapos itong mawala noong 2017, siyam na taon na ang nakalipas.
Ayon kay Sharon Kelly, residente ng Youngstown, ang kanyang shih tzu na si Saleo ay lumabas lamang para maglakad-lakad sa kanilang bakuran ngunit bigla na lamang nawala, kaya hinanap nila ito ng kaniyang pamilya.
Sa paglipas ng mga taon, sinundan nila ang ilang ulat tungkol sa mga aso na may katulad na hitsura ni Saleo, ngunit nabigo silang makita ito.
Natapos ang kanilang paghahanap nitong linggo nang ipadala ng kanyang apo ang isang post mula sa Mahoning County Dog Warden tungkol sa isang maliit na asong may sobrang buhaghag na balahibo na natagpuan sa Fellows Riverside Gardens.
Kinumpirma ni Kelly ang pagkakakilanlan ni Saleo sa pamamagitan ng mga lumang larawan at markang natatangi sa kanya nang bumisita sa Dog Warden’s office kinabukasan. Ayon kay Kelly, si Saleo ay humigit-kumulang 10 taong gulang na.







