--Ads--

Nanguna muli sa North American box office ang space adventure film na Project Hail Mary matapos kumita ng humigit-kumulang $54.5 milyon o nasa P3 bilyon sa ikalawang sunod na linggo, ayon sa industry estimates.

Pinagbibidahan ito ni Ryan Gosling bilang isang guro na naging astronaut at nagising sa isang spaceship na may misyon na iligtas ang mundo mula sa kakaibang phenomenon na nagpapahina sa araw. Ang pelikula ay hango sa nobela ni Andy Weir, na siya ring may-akda ng The Martian na pinagbidahan ni Matt Damon.

Nanatili naman sa ikalawang puwesto ang animated film na Hoppers ng Disney at Pixar, na kumita ng $12.2 milyon sa United States at Canada. Tampok sa pelikula ang kuwento ng isang batang mahilig sa hayop na gumagamit ng teknolohiya upang mailipat ang kanyang kamalayan sa isang robotic beaver para maprotektahan ang wildlife.