Nagsimula na ang malawakang deployment sa iba’t-ibang ilog at resort bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga mamamayan at mga estudyante ngayong Semana Santa.
Layunin ng hakbang na masiguro ang kaligtasan ng publiko lalong-lalo na sa mga lugar na madalas puntahan upang maligo ngayong bakasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niyang kabilang sa kanilang mahigpit na binabantayan ngayon ang ilog ng Alicaocao matapos ang naitalang pagkalunod kamakailan.
Dahil dito, mas pinaigting nila ang presensyang mga tauhan sa nasabing lugar upang agad na makaresponde sa anumang emergency. Full force din ang deployment ng iba’t-ibang ahensiya gaya ng PNP, PDRRMO, at ng BFP upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa mga matataong pasyalan.
Samantala, inilatag na rin ngayong araw ang mga assistance desk sa mga pangunahing lugar na maaring lumapit para sa agarang tulong, impormasyon at serbisyo na kailangan sa Semana Santa.
Home Local News
Malawakang deployment ng Pulis at Rescue Teams sa mga ilog at resort, nagsimula na
--Ads--











