--Ads--

Nagbago ang ihip ng hangin para sa 2NE1 member na si Park Bom matapos siyang magbahagi ng isang madamdaming handwritten letter sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman para sa mga dating kasamahan sa grupo na sina CL, Minzy, at Sandara Park.

Ngayong Biyernes, ipinost ni Park Bom ang larawan ng sulat na kalaunan ay binura rin niya. Gayunman, mabilis itong na-screenshot ng kanyang mga tagasubaybay at kumalat online.

Ayon sa kanyang mensahe, isinulat niya ang liham dahil pakiramdam niya ay ito na ang huling pagkakataon na maipapahayag niya sa publiko ang laman ng kanyang puso. Binalikan din niya ang kanyang pinagmulan bilang K-pop idol at ang hirap ng kanyang pinagdaanan bago makapasok sa industriya.

Ibinahagi niya kung paano siya nagbalik sa Korea matapos mag-aral sa Estados Unidos upang ituloy ang pangarap na maging singer, pati na ang matinding pagsasanay at auditions sa YG Entertainment bago siya naging bahagi ng 2NE1.

--Ads--

Sa kanyang mensahe, pinuri rin niya ang kanyang mga dating kasamahan sa grupo. Tinawag niya si CL na isang “god of performance” dahil sa husay at presensya nito sa entablado, habang binigyang-pugay rin ang talento nina Minzy at Sandara Park.

Wala pa namang opisyal na pahayag mula sa kampo ng 2NE1 kaugnay ng nasabing post.