--Ads--

Matapos ang pitong taon, muling babalik sa Maynila ang American singer-songwriter na si Jason Mraz para sa isang gabing konsiyerto ngayong Oktubre bilang bahagi ng kanyang Asia Tour 2026.

Inanunsyo ni Mraz ang kanyang pagbabalik nitong Lunes ng umaga (oras sa Maynila) sa pamamagitan ng isang social media post. Nakatakda siyang magtanghal sa Oktubre 27 sa Mall of Asia Arena kung saan muli niyang makakasama ang kanyang mga Pilipinong tagahanga.

Magsisimula naman ang bentahan ng tiket sa Mayo 17, alas-12 ng tanghali (oras sa Pilipinas).

Huling nagtanghal si Mraz sa Maynila noong 2019 bilang bahagi ng kanyang “Good Vibes” concert tour.

--Ads--

Nakilala ang Grammy-winning artist noong unang bahagi ng 2000 matapos ilabas ang kanyang debut album na Waiting for My Rocket to Come. Ilan sa kanyang mga sumikat na kanta ang I’m Yours, I Won’t Give Up, Lucky, at Love Someone.