Kinilala ng Forbes ang Filipino tennis star na si Alex Eala bilang bahagi ng “30 Under 30” list para sa sports and entertainment, na inilabas nitong Huwebes.
Ayon sa Forbes, tampok sa listahan ang mga “next generation of talent” sa larangan ng sports at showbiz, kung saan binigyang-diin ang mabilis na pag-angat ni Eala sa international tennis scene.
Kabilang sa naging highlight ng kanyang profile ang breakout performance niya sa 2025 Miami Open at ang pagpasok sa Women’s Tennis Association (WTA) Top 50, na nagpasigla ng interes ng mga Pilipino sa tennis.
Sa kasalukuyan, nasa world No. 37 si Eala at kamakailan ay natapos ang kanyang kampanya sa French Open 2026, habang patuloy na kinikilala ang kanyang impluwensya sa pagpapalakas ng tennis sa Pilipinas.
Kasama rin sa listahan ng Forbes ang iba pang international athletes at personalities mula sa sports at entertainment industry.










