--Ads--

Naghain si Manila 6th District Rep. Benny Abante Jr. ng mga kasong libel at cyber libel laban sa 18 indibidwal na nagpakilalang bagmen umano ng dating kongresistang si Zaldy Co nitong Martes, Hunyo 9.

Kasama rin sa reklamo ang kanilang abogado na si Levito Baligod, kaugnay ng umano’y mali, walang batayan, at nakaliligaw na mga paratang tulad ng pagdedeliver ng maleta na may lamang pera sa ilang kongresista.

Ayon kay Abante, mali at gawa-gawa lamang ang mga alegasyon na nagpapahiwatig na siya at iba pa ay tumanggap ng mga maletang naglalaman ng pera mula sa pondo ng gobyerno, at wala umanong katotohanan ang mga ito sa anumang batayan ng batas o katotohanan.