Tinanggihan ng developer ng mobile game na GoreBox na si Felix Filip ang imbitasyong dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
Kinumpirma ito ni Sen. Risa Hontiveros nitong Biyernes at nagpahayag ng pagkadismaya sa naging desisyon ng Germany-based developer.
Nakatakda sa Hulyo 1 ang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na pinamumunuan ni Hontiveros.
Sinabi rin ng senadora na makikipag-ugnayan siya sa German Embassy upang mapadali ang posibleng paglahok ni Filip sa imbestigasyon.
Dagdag pa niya, nananatiling bukas ang komite sa pagdalo at pakikilahok ni Filip sakaling magbago ito ng pasya, at magpapatuloy ang kanilang pagsisikap na makuha ang kanyang panig sa isinasagawang pagdinig.





