--Ads--

Inihayag ng singer at actor na si Ice Seguerra na hindi na nila itutuloy ng kanyang asawa na si Liza Diño ang plano nilang magkaroon ng sariling anak matapos harapin ang iba’t ibang hamon sa proseso ng in vitro fertilization (IVF).

Sa panayam sa programang i-Listen with Kara David, sinabi ni Ice na sinubukan nilang magkaanak ngunit hindi naging matagumpay ang IVF procedure, kabilang na ang mababang bilang ng nakuha niyang egg cells at iba pang limitasyon sa proseso.

Ayon kay Ice, dahil sa kanilang edad at iba pang konsiderasyon, tinanggap na nilang hindi na sila magkakaroon ng sariling anak.

Gayunman, sinabi niyang kuntento at masaya sila sa pagpapalaki kay Amara, anak ni Liza sa una nitong asawa, na itinuturing na rin niyang sariling anak.

--Ads--

Ikinuwento rin ni Ice ang espesyal na sandali nang kusang hilingin ni Amara na tawagin siyang “dad,” isang pangyayaring aniya’y naging emosyonal at mahalagang bahagi ng kanilang pamilya.