--Ads--

Muling nagpamalas ng husay si Filipina tennis sensation Alex Eala matapos makausad sa semifinals ng Mubadala Citi DC Open sa bisa ng 6-3, 6-4 panalo laban sa world No. 10 na si Elina Svitolina ngayong Sabado ng umaga (oras sa Pilipinas).

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, nagawang pataubin ni Eala ang beteranang Ukrainian star upang maipagpatuloy ang kanyang impresibong kampanya sa torneo.

Dahil sa panalo, nakasiguro na si Eala ng puwesto sa Final Four ng prestihiyosong hardcourt tournament at isang hakbang na lamang ang layo mula sa finals.

Bago ang tagumpay laban kay Svitolina, tinalo rin ni Eala ang Paris Olympic gold medalist na si Zheng Qinwen ng China at ang defending champion na si Leylah Fernandez ng Canada.

--Ads--