--Ads--
Ibinahagi ng beteranong aktor na si Dindo Arroyo na cancer-free na siya matapos ma-diagnose noon ng stage 4 pancreatic cancer.
Ayon kay Arroyo, binigyan siya noon ng anim na buwang taning sa buhay ngunit pinili niyang sumailalim sa alternative treatment sa halip na chemotherapy. Aniya, nakatulong ang herbal medicine at dasal sa kanyang paggaling.
Bagama’t humina ang kanyang pancreas na naging dahilan ng kanyang diabetes, sinabi niyang maayos na ang kanyang kalagayan at insulin na lamang ang kanyang maintenance.
Sa kasalukuyan, bumalik na sa normal ang kanyang pangangatawan at pamumuhay, bagay na itinuturing niyang biyaya matapos ang matagal na pakikipaglaban sa sakit.
--Ads--





