--Ads--

Umatras si Japanese tennis star Naomi Osaka sa Cincinnati Open matapos makaranas ng matinding pagod, ilang linggo bago ang pagsisimula ng US Open.

Ayon sa four-time Grand Slam champion, hindi siya nasa kondisyon upang makalaro sa torneo kahit nakatakda sana siyang pumasok bilang ika-11 seed at may first-round bye. Ito na ang ikalawang sunod na taon na hindi siya makakalahok sa Cincinnati Open.

Bago ang kanyang pag-atras, umabot si Osaka sa semifinals ng Washington Open at quarterfinals ng isang WTA 1000 tournament sa Toronto, na nagpakita ng magandang porma sa mga nakaraang linggo.

Samantala, nakatakdang lumahok sa Cincinnati Open ang Pinay tennis star na si Alex Eala bilang ika-17 seed. Nakakuha rin siya ng first-round bye sa kanyang unang pagsabak sa naturang torneo bilang bahagi ng paghahanda para sa US Open.

--Ads--