--Ads--
Pumanaw na si Miss Earth Indonesia 2025 Putri Andriani Juficha sa edad na 25.
Inanunsyo ng Miss Grand Indonesia organization at ilang international pageant pages ang kanyang pagpanaw noong Agosto 14. Hindi naman isinapubliko ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Bukod sa pagiging Miss Earth Indonesia 2025, naging runner-up din siya sa Miss Grand Indonesia 2025 pageant.
Kilala rin si Juficha sa kanyang adbokasiya para sa kalikasan, kabilang ang pagsusulong ng waste recycling at pangangalaga sa kapaligiran.
--Ads--
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga pageant organizations at netizens sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.





