May kabuuang 2,279 ebidensya ang hawak ng International Criminal Court o ICC prosecution na inuri bilang “incriminating,” o mga ebidensyang maaaring mag-ugnay sa isang akusado sa krimen, laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ito ng 6,909 ebidensya na isiniwalat ng prosekusyon sa kampo ng depensa mula Enero 7 hanggang Hulyo 31, 2026, alinsunod sa mga panuntunan ng korte.
Bukod sa mga “incriminating” evidence, 4,573 ang inuri sa ilalim ng Rule 77, kabilang ang mga dokumento, larawan at iba pang materyal na maaaring suriin ng depensa. Mayroon namang 57 ebidensya na maaaring makatulong sa depensa ni Duterte.
Kabilang sa mga “incriminating” evidence ang mga dokumentong may kaugnayan sa umano’y barangay clearance operations at Davao Death Squad, pati na ang mga ebidensyang tumatalakay sa pananagutan sa mga krimeng iniimbestigahan ng ICC.
Nakatakdang simulan ang pangunahing paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30, 2026 kaugnay ng mga kasong crimes against humanity na iniuugnay sa kanyang war on drugs.











