Hindi na nakikitang kailangan ng House prosecution panel na ipatawag bilang testigo si Col. Raymund Lachica sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, sapat na umano ang testimonya ng mga naunang testigo upang maipakita ang sinasabing maling paggamit ng P500 milyon confidential funds at matukoy ang pananagutan ng Bise Presidente.
Nauna nang tumestigo sina Gina Acosta at OVP Assistant Secretary Lemuel Ortonio, na kapwa nagsabing may kaugnayan si Duterte sa paglilipat ng confidential funds kay Lachica.
Samantala, planong iharap ng prosecution bilang hostile witness si lawyer Michael Wesley Poa kaugnay sa alegasyong maling paggamit ng P112.5 milyon na confidential funds ng Department of Education.











