Nasugatan ang anim na Palestinian matapos gumamit ng tear gas ang Israeli forces sa isinagawang raid sa Al-Faraa refugee camp, timog ng Tubas sa northern occupied West Bank.
Naganap ang raid kasabay ng panibagong paglusob ng Israeli forces sa iba’t ibang bahagi ng occupied West Bank.
Pumasok din ang mga sundalong Israeli sa Al-Bireh at nag-deploy sa ilang lugar, ngunit walang naiulat na pag-aresto o paghalughog sa mga bahay.
Sa Al-Mughayyir, northeast ng Ramallah, nagpaputok din umano ng tear gas ang Israeli forces patungo sa mga tahanan ng Palestinian, ngunit walang naiulat na nasugatan.
Samantala, hinarang at inatake umano ng Israeli soldiers ang mga mamamahayag sa Old City ng Hebron habang pinapasok ng mga Israeli settler ang lugar sa ilalim ng military protection.
Ayon sa mga saksi, nilimitahan din ang paggalaw ng mga Palestinian resident at may-ari ng tindahan sa lugar.
Halos araw-araw na nagsasagawa ng military incursions ang Israeli forces sa occupied West Bank, na kadalasang nauuwi sa putukan, paghalughog ng mga bahay at pag-aresto.






